Job interview
Ang job interview ay ang proseso para makilala ng isang kumpanya ang mga
aplikanteng nais mapabilang at makapagtrabaho
para sa kanila. Hindi lang sa pag e-exam natatatapos ang proseso para makahanap
ng nagtrabaho, kasama na rin ang interview. Ngunit marami pa rin sa aplikante ang bumabagsak sa job interview.
Narito ang mga paraan para makatulong na makapasa sa interview.
Bago ang Interview
1. Research
Mag research ng mga detalya tungkol sa kumpanyang nais mong
pasukan(company profile, business, products, etc). Sa pamamagitan nito, ay magkakaroon
ka ng magandang impression sa nag-iinterview dahil makikitang interesado ka sa
kanilang kumpanya.
2. Practice
Pagisipan ang mga karaniwang tanong na posibleng mga itanong sa
interview." What do you know about this company?" "Anong maitutulong mo sa
kumpana?"
3. Strength and weaknesses
Ito ay kalimitang tanong sa mga aplikante. Halimbawa, “What is your strength?”,
“I’m very organized when it comes to my work and scheduled.” “What is your
weakness? “I’m get easily bored so I like to stay busy.
4. Bring extra copy
Mas maganda kung kumpleto na ang mga requirements at magdala ng extra
copy nito(resume, photocopy ng dokumento.)
5. Damit
Maghanda at pumili ng mga angkop na damit na gagamitin sa Interview.
Habang Interview
1. Maging maaga
2. Relax
Normal lang ang kabahan. Alam ng nagiinterview na ikaw ay kinakabahan
kaya dapat ay mag-relax para hindi masira ang atensyon mo.
3. Makinig
Pakinggan ang mga sinasabi ng
nagiinterview. Maaring madismaya sayo ang nagiinterview dahil sa pagpapaulit ng
kanyang sinasabi pero may pagkakataon talaga na hindi natin gaanong maintindian
ang mga tanong kaya mas mabuti na magalang magsabi kung hindi gaanong naiintindihan
ang tanong.
4. Umupo ng tuwid
Ang pagupo ng tuwid ay pagpapakita na interesado at pagpapakita ng
maayos na pag-uusap.
5. Eye Contact
Tumingin ng deretso sa nag-iinterview. Sa pamamagitan rin nito na
interesado ka at nagpapakita na gusto mong makapasok at makapagtrabaho sa kanilang kumpanya.
6. Huwag pabigla-bigla
May mga pagkakataon na minsan ay tayo ay kinakabahan. Dahil dito ay
sumasagot tayo ng biglaan at kung minsan ay nakakalimutan nating isipin kung
ano ang dapat na isagot.
Huminto ng saglit na naaayon para mapag-isipan ng maayos ang nais na
sabihin.
7. Pagtanggap sa trabaho
Kalimitan tayong tinatanong sa trabaho ng: “Are you willing to work on
nightshifts and weekends?”, “Yes.” “Are you willing to work that need multi-tasking skills? “Yes.”. Nagbibigay naman ng mga on-the-job trainings ang isang kumpanya bago ka isalang sa trabaho
para malaman nila kung angkop ka sa trabaho na kailangan nila.
8. Huwag mahihiyang magtanong
Bago matapos ang interview ay nagsasabi ang interviewer kung mayroon
kang mga tanong o kaya mga bagay na hindi naiintindihan. Kung may nais kang
itanong o nalalabuan sa mga ilang bagay sa interview ay huwag mahiyang itanong.
Ito ay nagpapakita ng magandang pag-uusap. Huwag din kalimutang magpasalamat
bago umalis.
Mga Ilang Tips
- Huwag magdala ng mga inuming bagay. Ikaw ay nasa interview at hindi lunch break kaya hindi mo na kailangan magdala .
- I-turn off ang cellphone para hindi makaistorbo. Kung may importanteng tawag o mensahe na inaantay ay I-“silent mode” ito.
- Iwasan ang magsabi ng di-maganda sa dati mong pinagtrabahuhan, sa halip ay “Nais ko pong matuto at madagdagan ang aking kaalaman.
- Huwag uminom ng alak o manigarilyo bago ang interview.
No comments:
Post a Comment