Maria Evangelista Carpena - "Nightingale of Zarzuela"
Kinse
anyos pa lamang si Maria Evangelista Carpena
ng una siyang magtanghal para sa isang concert sa Zorilla Theater. Siya
ay nadiskubre ni Severino Reyes ng siya ay kumanta sa Simbahan.
Siya
ay ikinasal kay Jose Alcantara at noong 1904, siya ay nabalo sa edad na labing
walo .Dahil sa angking galing sa larangan ng pagkanta at tunay nga namang
kamangha-mangha ang kanyang talento, siya ang binansagang “Nightingale of Zarzuela”. Noong Marso 8, 1915, siya ay binawian ng
buhay dahil sa komplikasyon sa operasyon dahil sa appendicitis.
Narito
ang isang tula tungkol kay Maria Evangelista Carpena bilang pagpupugay sa
kanyang talento sa larangan ng pagkanta. Ito ay para sa “Nightingale of
Zarzuela”
Nightingale of Zarzuela
ni
Bel Francis Buccat
Isang
tanyag na mang-aawit at mahusay sa entablado
Ang
nakilala at hinangaan ng maraming Pilipino
Ang
kanyang talento at abilidad ay nalinang ng husto
Na
isang kayamanang maipagmamalaking totoo.
Mula
sa bayan ng Santa Rosa, lalawigan ng Laguna
Pinalaking
isang huwaran ng butihing ama at ina
Siya’y
laging umaawit sa okasyon bilang soloista
Sa
tuwing iyong maririnig ay mamamangha kang talaga.
Dumating
ang pagkakataon nag-iba ang tibok ng puso
At
umibig sa isang ahente na nakatira sa Trozo
Ngunit
agad siyang nabalo sa gulang na lalabing walo
May’rong
anak sa pangangalaga kaya’t nagsikap pang lalo.
Pinag-igihan
at nagsikap sa pag-aaral ng musika
At
gayun din nga naman ang husay niya pagdating sa drama
Lumuwas
ng Maynila para sa palabas na “Minda Mora”
Nagkaroon
ng lakas ng loob at sa sarili’y nagtiwala.
Nagtuloy-tuloy
ang pagsikat nya sa larangan ng teatro
Nakikita’t
napakikinggan ng libo-libong mga tao
Ngunit
nawala sa entablado’t nakitang
nagdedeliryo
At
ikinalungkot ang pagpanaw kinagabihan ng Marso.
Siya
ay walang kaparis at talaga ngang kahanga-hanga
Marapat
na siya ay tawaging “Nightingale ng Zarzuela”
Ang
pangalan niya ay Maria Evangelista Carpena
Na
nagbigay ng karangalan at pagpupugay sa ‘ting bansa.
No comments:
Post a Comment