A. KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
Ang
kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa kakayahang tekstwal o abilidad na
sumulat o magsalita nang may organisasyon o kohisyon at ang abilidad na magamit
ang wika para sa manipulasyon, imahinasyon o sa paglilinaw ng ideya at maging
sa pagtuturo. Nangangahulugan ito na ang
isang tao ay marunong kung kailan niya dapat sabihin ang isang bagay o ideya sa
isang partikular na tao sa isang angkop na panahon, lugar at pamamaraan.
B. KAKAYAHANG LINGGWISTIKA - linggwistika o dalubwikaan ang
pag-aaral sa wika ng tao at tinatawag na isang linguista o linggwista ang mga
dalubhasa dito.
I. Ponolohiya
Ang bawat wika sa daigdig ay binubuo ng mga tunog na binibigkas. Kayat
magiging madali at malinaw ang pagkatuto ng Filipino kung lubos nating
nauunawaan kung paano nalilikha ang mga tunog na bumubuo rito. Bilang panimula,
atin munang, pag-aralan ang mga bahagi ng ating katawan na ginagamit sa
pagsasalita.
Ito ay
tumutukoy sa isang bahagi ng linggwistika na sumusuri sa kahalagahan ng
“ponema” o tunog na syang pinakamaliit ngunit may kabuluhang yunit ng tunog sa
isang wika.
Ang
Pagsasalita
Ayon sa mga
linggwista, upang makapagsalita ang isang tao, siya’y nangangailangan ng
tatlong salik. Ito ay ang mga sumusunod:
1. ang pinanggagalingan ng lakas o enerh iya
– ito ang pwersang nalilikha ng hangin papalabas galling sa baga
2. artikulador o ang pumapalag na bagay
– napapakinig ang puwersang galling sa baga ang mga babagtingang-tinig na
nagpapagalaw sa artikulador.
3. resonador o ang patunugan – ang bibig
at ang guwang ng ilong ang syang responsable sa pabagu-bago ng tunog. Ito ang
nagsisilbing resonador.
Dahil sa
interaksyon ng tatlong salik na nabanggit, nakalilikha ang tao ng alon ng mga
tunog. Ang hangin ang siyang nagiging midyum ng mga alon ng tunog na dumarating
sa ating mga tainga.
Ang
enerhiya ay ang presyong nalilikha ng papalabas na hiningang nagbubuhat sa baga
na siyang nagpapalag sa mga babagtingang tinig at gumaganap bilang artikulador.
Lumikha ito ng tunog na minomodipika naman ng bibig na siyang nagiging
resonador. Ang bibig, gayundin ang ilong, ang nagsisilbing mga resonador.
Kung ating
susuriing muli ang sagittal diagram o si OSCAR, mamamalas natin na ito ay may
apat na bahaging kailangan sa pagbigkas ng mga tunog. Ito ay ang sumusunod:
1. dila
at panga (sa ibaba)
2.
ngipin at labi (sa unahan)
3.
matigas na ngalangala (sa itaas)
4.
malambot na ngalangala (sa likod)
v Malaya nating naigagalaw ang ating
panga at dila kayat dahil dito, nagagawa nating pagbagu-baguhin ang hugis at
laki ng espasyo sa loob ng bibig.
Katuturan ng
Ponema
Ponema ang tawag sa isang makabuluhang tunog ng isang
wika. Ito ay hango sa wikang Ingles na phoneme na nahahati sa dalawang salitang
phone (tunog) at –eme (makabuluhan) May tiyak na dami ng mga ponema o
makabuluhang mga tunog ang bawat wika. Binubuo ang wikang Filipino ng dalawampu’t
limang (25) ponema – dalawampu (20) na ponemang katinig at limang (5) ponemang
patinig.
Mga Katinig
- /p, t, k, ?, b, d, g, m, n, ŋ, s, h , f, v, z, l, r, j, w, y/
Mga Patinig
- /a, e, i, o, u/
Uri ng Ponema
Binubuo ang wikang Filipino ng
dalawang uri ng tunog: ang mga ponemang segmental at suprasegmental. Kabilang sa
mga segmental ang mga katinig, patinig, diptonggo, kambal-katinig o klaster at
pares minimal. Kasama naman sa mga suprasegmental ang diin, intonasyon at
hinto.
A. Ponemang Segmental
1. Mga katinig
=B,C,D,F,G,H,J,K,L,M,N,P,Q,R,S,T,V,W,X,Y,Z
2. Mga patinig
A, E, I, O, U
3. Diptonggo - Ang mga diptonggo ng Filipino ay
iw, iy, ey, ay, aw, oy at uy. Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang
patinig (a,e,i,o,u) at isang malapatinig (w,y) sa loob ng isang pantig. Hal. bahaw, bahay, okoy, baliw
4. Klaster - Ang
klaster o kambal-katinig ay ang magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa
isang pantig.
tseke - /tse-ke/ ,
tsampyon - /tsam-pyon/
kontrata - /kon-tra-ta/ , kongklusyon
- /koŋ-klu-syon/ , mantsa - /man-tsa/
5. Pares Minimal - Ang pares
na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas
maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon ay tinatawag na pares
minimal.
tela - tila belo
– bilo butas - botas mesa -
misa
diles – riles
ewan – iwan
B. Ponemang Suprasegmental
Ang mga ponemng suprasegmental ay
tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan
ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbulo ito ng mga notasyong ponemiko
upang matukoy ang paraan ng pagbigkas. Ang mga uri ng ponemang suprasegmental
ay ang diin, intonasyon at hinto.
1. Diin.
Ginagamit ang simbolong /:/ upang matukoy ang pantig ng salita na may
diin. Sa Filipino, karaniwang binibigkas nang may diin ang salitang higit sa
isang pantig. Malimit ding kasama ng diin ang pagpapahaba ng patinig. Tulad
nito:
/ba:hay/ -
tirahan
/pagpapaha:ba?/ - lengthening
/kaibi:gan/ -
friend /sim:boloh/ -
sagisag
Mahalaga ang diin sapagkat sa
pag-iiba ng patinig na binibigyang-diin, karaniwang nababago ang kahulugan ng
salita. Tulad nito:
/tu:boh/ - pipe /tu:bo?/ - sprout /tuboh/ - sugar cane
/maŋ:gaga:mot/ - doctor /maŋga:gamot/ - to treat
/kaibi:gan/ - friend /
ka:ibigan/ - lover
/paso?/ - flower pot /pa:so?/ - burn /pasoh/ - expired
2. Tono - Tumutukoy ang sa pagtaas at pagbaba ng bigkas
ng pantig ng isang salita upang higit na
maging mabisa an gating pakikipag-usap
Hal. Kung tono ang paguusapan, malalaman natin kung nagaalinlangan ang
isang tao. Kahapon? Kahapon.
3. Hinto.
Nangangahulugan ito ng pagtigil sa pagsasalita. Maaaring huminto nang
panandalian habang sinasabi ang isang pangungusap, at maaari rin sa katapusan
na ng pangungusap ang paghinto. Sa pagsulat, sinisimbulo ng kuwit (,) ang
panandaliang paghinto at ng tuldok (.) ang katapusan ng pangungusap. Sa mga
pangungusap sa ibaba, nilalagyan ng isang bar (/) ang isang saglat na paghinto
at ng dobleng bar (//) ang katapusan ng pahayag. Mapapansing naiiba ang
kahulugan ng pangungusap sa pag-iiba ng hinto sa pangungusap.
Tito Juan Anton
ang pangalan niya//
(Sinasabi ang buong pangalan ng ipinakikilala.)
Tito/ Juan
Anton ang pangalan niya//
(Kinakausap si Tito, o kaya’y isang tiyo, at ipinakikilala Si Juan
Anton)
Tito Juan/
Anton ang pangalan niya//
(Kausap ang isang tiyo na Juan ang pangalan. Ipinakikilala si Anton)
Tito/ Juan/
Anton ang pangalan niya//
(Ipinakikilala sina Tito at Juan kay Anton)
II. Ang Morpolohiya at ang Morpema
MORPOLOHIYA
Ang
morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama
ng mga ito upang makabuo ng salita. Anupa’t kung ang ponolohiya ay tungkol sa
pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika, ang
morpolohiya ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t
ibang morpema.
Katuturan ng Morpema
Galing ang salitang morpema sa
katagang morpheme sa Ingles na kinuha naman sa salitang Griyego – morph (anyo o
yunit) + eme (kahulugan). Sa payak na kahulugan, ay ang pinakamaliit na yunit
ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang ibig sabihin ng pinakamaliit
na yunit ay yunit na hindi na maaari pang mahati nang hindi masisira ang
kahulugan nito. Ang morpema ay maaaring isang salitang-ugat o isang panlapi.
Ang lahat ng mga morpemang mababanggit ay dapat na ikulong sa { }.
Ang salitang makahoy, halimbawa ay
may dalawang morpema: (1) ang unlaping {ma-} at ang salitang-ugat na {kahoy}.
Taglay ng unlaping {ma-} ang kahulugang “marami ng isinasaad ng salitang-ugat”.
Sa halimbawang salitang makahoy, maaaring masabing ang ibig sabihin nito’y
“maraming kahoy”. Ang salitang ugat na kahoy ay nagtataglay rin ng sariling
kahulugan. Ito ay hindi na mahahati pa sa lalong maliliit na yunit namay
kahulugan. Ang ka at hoy, ay mga pantig lamang na walang kahulugan. May pantig
na panghalip na ka sa Filipino, gayundin naman ng pantawag na hoy, ngunit
malayo na ang kahulugan ng mga ito sa salitang kahoy.
Samantala, pansinin ang salitang
babae, bagamat may tatlo ring pantig na tulad ng mabait, ay binubuo lamang ng
iisang morpema. Hindi na ito mahahati pa sa maliit na yunit o bahagi nang hindi
masisira ang kahulugan. Hindi morpema ang mga sumusunod na maaaring makuha sa
babae: be, e, baba, bae, bab, aba, abab, at ab. Maaaring maibigay tayong
kahulugan sa baba at aba ngunit gaya ng naipaliwanag na, malayo na ang
kahulugan ng mga ito sa babae.
Uri ng
Morpema
May dalawang uri ng morpema ayon sa
kahulugan. Makikita ito sa halimbawang pangungusap sa ibaba.
Magaling
sumayaw si Rik kaya siya ay nanalo sa dance olympic.
1. Mga
morpemang may kahulugang leksikal. Ito ang
mga morpemang tinatawag ding pangnilalaman pagkat may kahulugan sa ganang
sarili. Ito ay nangangahulugan na ang morpema ay nakakatayo ng mag-isa sapagkat
may angkin siyang kahulugan na hindi na nangangailangan ng iba pang salita.
Halimbawa sa pangungusap sa itaas, ang mga salitang magaling, sumayaw, Rik,
siya, nanalo, dance at olympic ay nakakatayo nang mag-isa dahil nauunawaan kung
ano ang kanilang mga kahulugan. Kabilang sa uring ito ang mga salitang
pangngalan, pandiwa, pang-uri at mga pang-abay. Tulad ng mga sumusunod:
Pangngalan(noun): Rik, dance, olympic, aso, tao,
paaralan, kompyuter
Panghalip(pronoun): siya, kayo, tayo, sila, ako, ikaw,
atin, amin, ko, mo
Pandiwa(verb): sumayaw, nanalo, mag-aral,
kumakanta, naglinis
Pang-uri(adj): banal, maligaya, palaaway,
balat-sibuyas, marami
Pang-abay(adverb): magaling, kahapon, kanina,
totoong maganda, doon
2. Mga
Morpemang may kahulugang pangkayarian. Ito ang mga morpemang walang kahulugan sa
ganang sarili at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto upang maging
makahulugan. Ito ang mga salitang nangangailangan ng iba pang mga salita upang
mabuo ang kanilang gamit sa pangungusap. Tulad ng halimbawang pangungusap sa
itaas, ang mga salitang si, kaya, ay at sa ay hindi makikita ang kahulugan at
gamit nito sa pangungusap kung wala pang ibang salitang kasama. Ngunit ang mga
salitang ito ay malaking papel na ginagampanan dahil ang mga ito ay
nagpapalinaw sa kahulugan ng pangungusap. Hindi naman maaaring sabihing,
Magaling sumayaw Rik siya nanalo dance olympic. Kasama sa uring ito ang mga
sumusunod:
Pang-angkop: na, -ng
Pangatnig: kaya, at, o saka, pati
Pang-ukol: sa, tungkol sa/kay, ayon
sa/kay
Pananda: ay, si, ang, ng, sina,
ni/nina, kay/kina
Anyo ng
Morpema
May tatlong anyo ang morpema.
Makikilala ang mga morpemang ito batay sa kanyang anyo o porma. Ito ay maaaring
ayon sa mga sumusunod:
1. Morpemang ponema.
Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa Filipino na
nagpapakilala ng gender o kasarian. Oo, isang ponema lamang ang binabanggit
ngunit malaking faktor ito upang mabago ang kahulugan ng isang salita.
Halimbawa ng salitang propesor at propesora. Nakikilala ang pagkakaibang ito sa
pamamagitan ng {-a} sa pusisyong pinal ng ikalawang salita. Ang ponemang /a/ ay
makahulugang yunit na nagbibigay ng kahulugang “kasariang pambabae.”
Samakatwid, ito ay isang morpema. Ang salitang propesora ay binubuo ng dalawang
morpema: {propesor} at {-a}. Iba pang halimbawa:
Doktora - {doktor} at {-a}
Senyora - {senyor} at {-a}
Plantsadora -
{plantsador} at {-a}
Kargadora -
{kargador} at {-a}
Senadora - {senador} at {-a}
Ngunit hindi lahat ng mga salitang
may inaakalang morpemang {-a} na ikinakabit ay may morpema na. Tulad ng
salitang maestro na naging maestra. Ang mga salitang ito ay binubuo lamang ng
tig-iisang morpema, {maestro} at {maestra}. Ang mga ponemang {-o} at {-a} na
ikinakabit ay hindi mga morpema. Dahil wala naman tayong mga salitang {maestr}
at sasabihing morpemang {-o} at {-a} ang ikinakabit dahil nagpapakilala ng
kasariang panlalaki at ganoon din sa pambabae. Tulad din ng sumusunod na mga
salita na may iisang morpema lamang:
bombero - na hindi {bomber} at {-o} o {-a}
kusinero - na hindi {kusiner} at {-o} o {-a}
abugado - na hindi {abugad} at (-o} o {-a}
Lito -
na hindi {lit} at {-o} o {-a}
Mario - na hindi {mari} at {-o} at {-a}
2. Morpemang salitang-ugat (su).
Ang mga morpemang binubuo ng salitang-ugat ay mga salitang payak, mga
salitang walang panlapi. Tulad nito:
tao silya druga payong jet
pagod tuwa pula liit taas
basa laro aral kain sulat
3. Morpemang Panlapi.
Ito ang mga morpemang ikinakabit sa salitang-ugat. Ang mga panlapi ay may
kahulugang taglay, kaya’t bawat isa ay isang morpema. Halimbawa, ang panlaping
{um-}/{-um-} ay may kahulugan “pagganap sa kilos na isinasaad ng salitang-ugat.
Sa pandiwang umaawit, ang {um-} ay nangangahulugang “gawin o ginawa ang kilos
ng pag-awit. Tulad ng mga sumusunod:
mag-ina - {mag-} at {ina}
maganda - {ma-} at {ganda}
magbasa - {mag-} at {basa}
bumasa - {-um-} at {basa}
aklatan - {-an} at {aklat}
pagsumikapan - {pag-, -um-, -an} at {sikap}
III. Sintaksis
Ito ang kumbinasyon ng mga salita
upang makabuo ng mga parirala at ang pagsasama sama ng mga pariralang ito upang
makabuo ng pangungusap.
Pangungusap
Ito aay tumutukoy sa kalipunan ng mga
pangungusap na nagsasaad ng isang kaisipan o buong diwa.
Bahagi ng pangungusap
A.
Paksa(simuno) – ito ang pinag-uusapan
sa pangungusap o pinagtutuunan ng pansin.
Hal. Si Luis ang bago kong
kaibigan.
Ang mundo ay umiikot sa sarili
nityong axis.
B.
Panag-uri- ito ang bahagi ng
pangungusap na naglalahad ng impormasyon tungkol sa simuno.
Hal. Si Luis ang bago kong
kaibigan.
Ang mundo ay umiikot sa sarili nityong axis.
No comments:
Post a Comment