Ang Network ay kilala bilang isang daan ng
koneksyon sa makabagong panahon ngayon. Ito rin
ang naging batayan ng bawat koneksyon na magagawa natin upang maibabahagi natin ang impormasyon sa iba at matuto sila sa mga
naibahagi nating impormasyon at para makakuha ng isang bagay na maaari nilang
magamit tulad ng mga software at anumang
mga files.Ang network ay umunlad sa nakalipas na ilang taon mula sa wired connections papuntang wireless, at walang duda na ito ay mas uunlad sa mga susunod na panahon.
mga files.Ang network ay umunlad sa nakalipas na ilang taon mula sa wired connections papuntang wireless, at walang duda na ito ay mas uunlad sa mga susunod na panahon.
Mga Uri
ng Network
1.
Personal Area Network- ito ay madalas
gamitin sa bahay, ang network na ito ay koneksyon sa pagitan ng kompyuter at
isa pang gadget tulad ng isang telepono o modem.
2.
Local Area
Network(LAN)- ito
ay ginagamit para sa mga grupo ng mga
computer na may koneksyon. Ito ay karaniwan sa maliit na opisina at mga
internet cafes. Ito ay kung saan ang lahat ay maaaring magbahagi ng mga files,
at kilala din na isang mahusay na paraan upang kumonekta sa pagitan ng mga
computer sa tuwing gusto nilang ibahagi ang koneksyon sa internet, o sa tuwing
gusto nilang maglaro bilang grupo.
3.
Metropolitan Area
Network(MAN)-
ito ay mas malaking version ng LAN dahil sakop nito ang isang syudad. Mas
malaking server ang kinakailangan dito.
4. Wireless Local Area Network (WLAN)
Tulad ng LAN, ang WLAN
ay gumagana sa pamamagitan ng wireless network technology tulad ng wifi. Ang
network na ito ay hindi na kailangan ng pisikal na cable wire para kumonekta sa
network.
5. Campus Area Network (CAN)
Ito ay mas malaki sa
LANs pero mas maliit sa MANs. Ito ay network na ginagamit sa mga universities
or campuses.
6.
Wide Area Network (WAN)- Ang WAN ay kayang
magkonekta ng mga computers kahit na malalayo ang distansya nito.
Pinahihintulutan nito ang mga computer at mga devices na makakonekta sa isang
malaking network kahit na magkakalayo ang mga ito.
7. Storage-Area Network (SAN)
Ito ay isang network
kung saan nagkokonekta ng shared pools of storage. Ang SAN ay hindi nakadepende
sa LAN o WAN, sa halip ay may sarili itong high-performance network.
8. Enterprise Private Network (EPN)
Ito ay isang network
kung saan ginawa para sa mga pansariling negosyo na gustong magkaroon ng seguridad na mapagkonekta ang kanilang mga impormasyon at
lakasyon sa isang shared computer resources
9. Virtual Private Network (VPN)
Ang VPN ay
nagpapahintulot sa mga users na magpagdala at tumanggap ng impormasyon na parang sila ay nakakonekta sa isang
pribadong network. Ang users ay pwedeng ma-access ang private network ng
patago.
Ano ang
HTTP/HTTPS?
Ang HTTP
(daglat ng Hypertext Transfer Protocol) ay isang application protocol na
ginagamit sa pakikipagpalitan ng datos. Karaniwan itong ginagamit upang makita
ang isang web page.
Maliban sa gamit upang makita ang isang web
page, maaari ding mag-input ng datos upang maipadala sa isang server upang ito
ay mai-save.
Pinapahintulutan din nito ang users na
makapagpalitan ng impormasyon sa world wide web.
·
Ang
terminong HTTP ay likha ni Ted Nelson
Ang HTTPS
naman ay secured version ng HTTP. Ang HTTPS ay ginagamit upang protektahan ang
mga data na ipinapadala sa web. Ito ay ang default na protokol para sa
pagsasagawa ng mga pinansyal na transaksyon sa web, at maaaring protektahan ang
mga gumagamit ng isang website mula sa censorhip ng isang
pamahalaan.
Ano ang
FTP?
Ang File
Transfer Protocol (FTP) ay ang karaniwang network protocol na ginamit para
sa pagpapadala ng mga file sa computer sa
pagitan ng client at server sa isang computer network.
Gamit ang FTP, ang client ay maaring magupload,
magdownload, magdelete, magrename, magmove at magcopy files sa server.kung
minsan, ang users ay kinakailangan maglog-in sa isang FTP server, samantalang
ang iba naman ay hindi na kailangan pa.
Ano ang
SMTP?
Ang SMTP
o Short for Simple Mail Transfer Protocol, ay isang protocol kung saan ito
ay ginagamit para sa pagpapadala ng mga e-mailsa pagitan ng mga servers.
Karamihan sa mga email systems ngayon na nagpapadala ng mga mensahe sa internet
ay gumagamit ng smtp para makapagpadala ng mensahe sa server papunta sa iba
pang server.
Ano ang
POP3?
Ang POP3
o Protocol ng Post Office ay
nagpapahintulot sa isang email client upang i-download ang isang email mula sa
isang server ng email. Ang POP3 protocol ay simple at hindi nag-aalok ng
maraming mga features maliban sa mga pag-download. Dinisenyo ito para maidownload ng email client ang mga
available na email sa server, magdelete at magdisconnect.
Ano ang
IMAP?
IMAP o
Internet Message Access Protocol.Ito ay isang protocol na may pagkakatulad sa
POP3. Pinahihintulutan din nito ang email client na mai-download ang email sa
server. Kumpara sa POP3, mas maraming features ang IMAP. Ito ay dinisenyo para
maitago ang email sa server.Ito ay nangangailangan ng maraming disk space at
cpu resources dahil ang mga email ay naka-save sa email server.
No comments:
Post a Comment